Pahayag ni PBBM sa posibleng pagsapi muli sa ICC, nirerespeto ni VP Sara

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Nirerespeto ngunit hindi sinasang-ayunan ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang desisyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ikonsidera ang pagsaping muli sa International Criminal Court (ICC) ng Pilipinas.

Sa sidelines ng isang National Children’s Month event kahapon, sinabi ni Duterte na nirerespeto niya ang posisyon ng pangulo, bilang punong arkitekto ng foreign policy.

Gayunman, hindi aniya ito nangangahulugan na sinasang-ayunan niya ito.

Sa halip, nanindigan siya sa kanyang pananaw na hindi makikipag-kooperasyon sa ICC sa gagawin nitong imbestigasyon sa alegasyon ng extra judicial killings sa war in drugs ng kanyang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte.

Aniya pa, patuloy siyang makikipag-ugnayan sa Department of Justice (DOJ) hinggil sa posisyon ng bansa sa isyu.

Nauna rito, sinabi ni Pang. Marcos na pinag-aaralan nila ang posibilidad na sumaping muli sa ICC.

LATEST

LATEST

TRENDING