Meralco itinanggi sobrang singil sa kuryente

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Itinanggi na Manila Electric Company (Meralco) ang bintang ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez na nag-o-overcharge ito ng kuryente simula pa 2012.

Sa pahayag, sinabi ni Meralco Vice President Jose Ronald Valles na may dinadaananag proseso ang Meralco para masegurong makatarungan at resonable ang singilin nito tulad ng iba pang mga distributor.

Dagdag pa niya, walang kapangyarihan ang Meralco na maningil na lamang ng kung anong gusto nito dahil kailangan itong aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) na nagpapatawag pa ng mga hearing bago magtakda ng singilin.

“I would like to reiterate that as a highly regulated entity, Meralco strictly adheres to the rules governing its operations and franchise and the rates we implement always have prior approval from the regulator,” sabi ni Valles.

Dagdag pa niya, ang singilin ng Meralco ay regular na kinukumpirma ng ERC at sa ERC dapat dinadaan ang usapan tungkol sa mga refund. Nang nagdesisyon ang ERC na ipa-refund sa Meralco ang P48 bilyon sa customers, agad itong pinatupad.

Pinababawi o pinahahati ni Fernandez ang prangkisa ng Meralco dahil hindi umano nakakalkula ng ERC ang weighted average cost of capital (WACC) o ang halaga ng pinupundar ng Meralco para maseguro ang serbisyo nito simula pa nung 2015. Ang WACC ang basehan kung magkano ang sisingilin ng Meralco sa customers. Sa kuwenta ni Fernandez, ang dating 14.97% na WACC ay dapat nang ibaba sa 9.23% kayat mas mababa na dapat ang singilin sa consumers.

LATEST

LATEST

TRENDING