Angara sa DSWD: Resolbahin pension backlogs ng 466K senior citizen

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Kinalampag ni Senador Sonny Angara ang tanggapan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na resolbahin ang isyu ng pagkaantala sa pamamahagi ng pensiyon para sa mga mahihirap na senior citizen sa bansa.

Bilang isa sa mga may akda ng Republic Act 11916 o batas para doblehin ang social pension para sa mga indigent senior citizen sa P12,000 mula sa dating P6,000 kada taon, sinabi ni Angara na napakahalaga ng cash aid sa mga matatanda na wala namang inaasahan para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Mahigit P50 bilyon ang inilaan sa ilalim ng panukalang 2024 budget ng DSWD para sa P1,000 buwanang pensiyon ng lagpas apat na milyong mahihirap ng senior citizen sa Pilipinas.

Bago isinabatas ang RA 11916, ang mga indigent senior citizen ay tumatanggap lamang ng P500 kada buwan para makatulong sa kanilang dagdag gastusin, kagaya ng pagkain at gamot.

“Nakakabahala ang binanggit ng DSWD na mayroong 466,000 na backlog sa pagbibigay ng social pension para sa ating mga lolo at lola na walang kahit anuman na suportang nakukuha mula sa kanilang mga kamag-anak,” ani Angara.

“Sila ay walang regular na pension na natatanggap at karamihan din sa kanila ay walang naipon na pera,” dagdag pa ng chairman ng Senate finance committee.

Sa interpelasyon sa panukalang pondo ng DSWD, umabot na sa P5 bilyon ang backlog sa distribusyon ng social pension.

Nitong nakalipas na tatlong taon, ang average na pondo para sa social pension ng mga senior citizen ay P25 bilyon.

Pinamamahalaan ng DSWD, ang Social Pension for Indigent Seniors Program ay magbebenepisyo sa apat na milyong matatanda na walang regular na kita o suporta mula sa kanilang pamilya at hindi nakakatanggap ng anumang uri ng pensiyon.

LATEST

LATEST

TRENDING