
MANILA – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa pekeng facebook page ng kagawaran.
Sa inilabas na abiso ng DOH, pinag-iingat nito ang publiko sa pekeng Facebook page na ‘DOH Health News-Philippines’.
Ayon sa DOH, hindi konektado sa kanila ang nasabing account kung saan ay ninakaw umano nito ang mga larawan sa kanilang website para magmukha itong lehitimong account.
Tinukoy ng kagawaran ang www. doh. gov. ph bilang opisyal na website ng DOH.





