
MANILA – Palalawigin ng Office of the Speaker at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ibinibigay nitong “libreng sakay” hanggang sa Biyernes upang matulungan ng mga pasahero na apektado ng transport strike.
“Rest assured that the House of the People is committed to alleviating any inconvenience caused to commuters by this transportation disruption,” sabi ng pahayag na inilabas ng tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Pinalawig ang “libreng sakay” matapos na ianunsyo ng transport group Manibela na magsasagawa ito ng transport strike mula Miyerkoles hang-gang Biyernes.
Ayon kay MMDA acting Chairman Atty. Romando Artes mayroong limang bus na nagbibigay ng libreng sakay mula pa noong Lunes. Nagsagawa ng tatlong araw na transport strike ang grupong PISTON na sinimulan noong Lunes.
Sinabi ni Artes na ang mga bus na nagbibigay ng libreng sakay ay bumibiyahe sa rutang Sucat-Baclaran, Pasig-Monumento-Quiapo, Philcoa-Doña Carmen, Parañaque City to City Hall at Antipolo-Quiapo.





