VP Sara, walang planong tumakbo sa 2028 presidential race

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Wala umanong plano si Vice President Sara Duterte na tumakbo sa 2028 presidential elections.

Sa isang media interview, sinabi ni Duterte na wala siyang ambisyong tumakbo sa pagka-pangulo ng bansa.

Noon pa man aniya ay sinabi na niyang hindi siya tatakbo sa pampanguluhang halalan.

“Hindi ko naman talaga ambisyon na tumakbong vice president and lalong lalo na ang president. Alam niyo naman lahat ‘yan. Sinabi ko noon na hindi ko gustong tumakbong president,” ayon kay Duterte.

Dagdag pa niya, ipinauubaya na niya sa Panginoon ang plano para sa kanyang kinabukasan.

Kaugnay nito, inaalam na ngayon ng Office of the Vice President (OVP) ang mga bali-balitang may mga taong gumagawa ng hakbang upang ipa-impeach siya.

“We are currently doing our due diligence about this one and we will release a comment [at the] appro­priate time,” pahayag ni Sara at tiniyak na maayos ang lahat sa pagitan niya at ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr..

“We’re okay,” aniya nang matanong hinggil sa relasyon nila ng pangulo.

Nagpahayag din ng kumpiyansa si Duterte na nananatili ang tiwala sa kanya ng punong ehekutibo.

“I believe that I still have the trust of President Ferdinand Marcos Jr.,” aniya.

Nag-ugat ang mga tsismis ng impeachment sa umano’y sigalot sa loob ng koalisyon ng administrasyon.

Una nang tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na walang anumang aksyong ginagawa ang Kamara upang mapababa sa puwesto si Duterte.

LATEST

LATEST

TRENDING