Vaccination data ng Pilipinas na hawak ng WHO, nag-leak

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Inaaral ngayon ng Department of Health (DOH) ang mga susunod na hakbang makaraang matanggap ang ulat na na-leak ang mga vaccination data ng Pilipinas na hawak ng World Health Organization (WHO).

Sa ngayon, inaalam na ng DOH katuwang ang Department of Information and Communications Techno­logy (DICT) ang lawak ng “data breach” at kung anong interbensyon ang kanilang gagawin.

Natuklasan ang data leak ng Philippine National Computer Agency Response Team. May mga impormasyon umano na itinapon sa ilang mga internet platforms, mula sa dalawang bansa kabilang ang Pilipinas.

Sinabi ni DOH Sec. Teodoro Herbosa na agad silang nakipag-ugnayan sa WHO na naglabas naman ng pahayag na nakikipagkomunikasyon na rin sila sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan ukol sa breach.

Sinabi ni Data Ethics Philippines founder Dominic Ligot, dapat matuto ang Pilipinas sa pagbibigay ng mga datos sa mga tao o institusyon na hindi kayang habulin ng bansa.

Isa sa panganib sa pagkakuha ng sensitibong datos ay ang “identity theft” o kaya ay “blackmail”.

LATEST

LATEST

TRENDING