SC ibinasura P41 bilyong ill-gotten wealth ng mga Marcos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Pinagtibay ng Supreme Court ang naunang pagbasura ng Sandiganbayan sa P41-bilyong ill-gotten wealth na kaso laban sa mga Marcos.

Sa desisyon na may petsang Oktubre 3, 2023, tinanggihan ng SC en Banc ang inihaing “petition for review certiorari” na isinampa ng pamahalaan dahil sa “lack of merit”.

Ang Civil Case No. 005 na inihain sa Sandiganbayan noon pang 1987 ay kaugnay ng bahagi ng stocks na nagkakahalaga ng P41.058 bilyon, base sa kuwenta ng Presidential Commission on Good Government noong 2020.

Kasama sa sinampahan ng kaso sina da­ting Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., asawa niyang si Imelda, anak na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., Sen. Imee Marcos at Irene Araneta.

Sa unang desisyon ng Sandiganbayan noong Hunyo 11, 2012, dinismis ng korte ang reklamo makaraang mabigo umano ang Republika na mapatunayan na ang mga assets at ari-arian na tinutukoy ay mga nakaw na yaman makaraang hindi maipakita na nagmula sila sa ari-arian ng gobyerno.

Unang ginamit ng Republika ang mga testimonya ni Marcos Jr. noong Agosto 21, 2007 at Pebrero 13, 2008, ukol sa umano’y pagpupulong ng kaniyang ama at ni business tycoon Lucio Tan ukol sa interes sa negosyo ng huli. 

Ipinunto ng SC na ang testimonyang ito ay “hearsay” lamang. Iginiit ng korte na walang personal na kaalaman si Marcos Jr. sa sinasabing 60-40 na business arrangement o “share transfers” sa mga korporasyong sangkot sa kaso.

Sinabi pa ng SC na ang karamihan sa mga dokumentong ebidensya ukol sa mga kumpanya tulad ng Fortune Tobacco, Allied Bank at iba pa ay pawang mga kopya lamang ng mga pribadong dokumento.

LATEST

LATEST

TRENDING