Pilipinas ‘di gagamit ng ‘military vessels’ sa re-supply missions sa Ayungin shoal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Patuloy na gagamit ang Pilipinas ng mga supply boats sa isinasagawang re-supply missions sa BRP Sierra Madre upang maiwasan ang lalo pang pagtaas ng tensyon sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela na nais ipakita ng Pilipinas na sumusunod sa kagawian na huwag i-militarize ang agawan sa teritoryo sa hindi paggamit sa mga barko ng Philippine Navy.

Ayaw umano ng Pilipinas na galitin ang ibang bansa na umaangkin sa ilang bahagi ng WPS, sa kabila na gumagamit na ang China. 

Naniniwala ang PCG at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagsasagawa pa rin sila ng “safe routine operaitons” sa pagre-re-supply sa BRP Sierra Madre sa kabila ng nararanasang pangha-harass ng mga barko ng Chinese Coast Guard.

Nitong nakaraang Biyernes, muling nagsagawa ng re-supply mission ang PCG sa BRP Sierra Madre kung saan muli silang hinarang ng mga barko ng CCG at Chinese milita vessels at binombahan pa ng tubig. Sa kabila nito, nakarating ang supply boats sa BRP Sierra Madre at naging matagumpay ang misyon.

LATEST

LATEST

TRENDING