
MANILA — Naisapinal na ng pamahalaan ang mga implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF).
“The Investment Rules and Regulations of Maharlika Investment Fund have been finalized,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Isinaad ng Pangulo na matapos ang IRR, agad na itatag ang corporate structure para agad na maging operational na ang MIF.
Noong Agosto, unang inilabas ang IRR, pero sinuspinde ni Marcos ang pagpapatupad nito dahil kailangan pa ng karagdagang pag-aaral noong Oktubre 18.
Nilinaw ni Marcos bago umalis patungong Saudi Arabia noong nakaraang buwan, na hindi na-hold ang MIF, at sinabing nagsusumikap pa rin ang gobyerno na masimulan ang operasyon sa loob ng taon.
Tiniyak din ng Pangulo na ang mga economic managers at mga personalidad na magiging “involved” sa pondo ay kinonsulta na hinggil sa MIF.
Layunin ng MIF na i-tap ang mga asset ng estado para sa mga investment venture para makabuo ng karagdagang pampublikong pondo.
Sa ilalim ng batas, ang paunang capitalization ng MIF ay kukunin sa Landbank sa P50 bilyon, DBP, P25 bilyon; at nat’l government, P50 bilyon.





