P5.768 trilyong national budget isinumite na sa Senado

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Isinumite na ng Kamara sa Senado ang kopya ng inaprubahan nitong P5.768 trilyong national budget ng pamahalaan para sa taong 2024.

Nakapaloob sa panukala ang P194.5 bilyong pagkakagastusan para palakasin ang national security ng bansa, proteksyunan ito laban sa epekto ng pandaigdigang inflation at tiyakin ang seguridad sa pagkain.

Sa maikling mensahe, inihayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pasasalamat nito sa mga miyembro ng Kamara sa ginawang pagbusisi at pagtiyak na hayag ang pagtalakay sa pambansang pondo na nagresulta sa mabilis na pagkakaapruba ng budget bill.

Ayon kay Romualdez, masinsinang inaral ang pondo para sa 2024 upang maging angkop ito sa gagawing pagtugon sa kinahaharap na problema ng mga ordinaryong Pilipino lalo na sa gitna ng global inflation at tumataas na presyo ng mga bilihin.

Bukod sa pagpapasalamat sa pagtatrabaho ng lahat ng miyembro ng Kapulungan ay kinilala rin ni Speaker Romualdez ang patuloy na matatag na ugnayan ng Senado sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri para sa pagpapabuti ng kalagayan ng bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING