Higit 3.8 milyon tumanggap ng tulong sa DSWD

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

May mahigit 3.8 ­milyong idibidwal ang nakatanggap ng iba’t ibang uri ng tulong sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, may kabuuang 3,799,979 individual ang natulungan ng ahensiya mula January hanggang September 2023 sa pamamagitan ng AICS program sa DSWD Central Office at ibang sangay ng ahensiya sa buong bansa.

Ang iba’t ibang tulong na nakapaloob sa programa sa ilalim ng AICS program ay educational, medical, transportation, burial at food assistance.

Nagkakaloob din ang DSWD ng hot meals, fa­mily food packs (FFPs), assistive devices at psychosocial support para dito.

Anya, tuwing ikatlong buwan ng taon ay patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga naaayudahan ng DSWD na patunay lamang na maayos ang proseso  alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang nagdaang SONA.

LATEST

LATEST

TRENDING