
MANILA — Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mismo ang nagsabi na hindi pa rin nawawala ang bilihan ng boto tuwing eleksyon.
Sa panayam ng media, inamin ng Pangulo na mayroon pa ring mga sumusubok na mamili ng boto na aniya’y umiikot sa gabi.
Sa katunayan, noong gabi aniya bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa kanila sa Ilocos Norte ay may mga iniulat na insidente ng vote-buying.
Ayon pa kay Marcos, nakaalerto naman ang mga pulis at ang Comelec para mapigilan ang ganitong iligal na gawain.
Sabi pa ng Presidente, ang direktiba niya ay agad puntahan kapag may matatanggap na report ng lalo na sa mga hotspot areas.
Tiniyak din ni Marcos na mahigpit na ipatutupad ang mga batas at hindi hahayaang mamayagpag ang pamimili ng boto.





