DTI maglalabas ng price guide sa mga Noche Buena item

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Kinukumpleto na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang mga datos bago maglabas ng price guide sa Noche Buena items.

Ito ang inihayag ni DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco matapos ang inspeksiyon sa isang super store sa Pasig City.

Ayon kay Pacheco, sa pamamagitan ng price guide, matutulungan ang mga mamimil na makapamili ng mas murang produkto.

Sa ngayon ay isinasapinal pa ng DTI ang kanilang price guide at nalalapit na itong ilabas.

Kaugnay nito, umapela naman ang mga opisyal ng DTI sa mga manufacturer na huwag munang magtaas ng presyo ng mga produkto dahil tinutugunan naman ng pamahalaan ang kanilang logistics problem.

Sinabing nakatulong naman ang pagkansela ng ‘pass through fees’ sa mga lokal na pamahalaan na ipinag-utos ng Malacañang para mapababa ang presyo ng mga kalakal.

Hinahanda na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price guide para sa mga produktong malimit gamitin sa Noche Buena.

(Betchai Julian)

Hinahanda na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price guide para sa mga produktong malimit gamitin sa Noche Buena. (Abante)

LATEST

LATEST

TRENDING