Tig-P200K ayuda sa 3 Pinoy na nasawi sa Israel

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Magkakaloob ng tig P200,000 ayuda ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga pamilya ng tatlong Filipino na nasawi sa Israel.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ipinahahanda na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naturang ayuda.

Bukod dito, sinabi ng PCO na magbibigay din ang Department of Migrant Workers ng tig-P50,000 na ayuda.

Sasagutin na rin umano ng OWWA at DMW ang wake at burial assistance na aabot sa P20,000 pati na ang repatriation at transportation costs ng mga bangkay mula airport hanggang sa kanilang mga tahanan.

Inatasan na rin ni Marcos ang DMW, OWWA at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bigyan ng educational at livelihood assistance ang anak ng mga nasawi.

Pinabibigyan din ng Pangulo sa Department of Health (DOH) ng medical at psychological support ang mga naulilang pamilya. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING