Mandatory repatriation ng Pinoys sa Gaza, inutos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 4 ang sitwasyon sa Gaza.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, nangangahulugan ito ng mandatory repatriation sa mga Filipino na nanatili sa Gaza.

Dahil dito nanawagan ang DFA sa mga Pinoy na lisanin ang Gaza at tutulungan silang makalabas dito at makatawid sa Egypt.

Sinabi ni De Vega, na itinaas ang Alert Level 4 bilang paghahanda sa posibleng ground offensive ng puwersa ng Israel laban sa Palestinian militant group na Hamas.

“Ibig sabihin ng mandatory hindi ‘yung pupuntahan namin kayo tapos hahatakin lumabas. Pero sinasabihan na namin sa inyo lumikas na kayo. At kung maiwan kayo we can’t stop you, we cannot prevent it,” wika ni De Vega sa isang radio interview.

“Nasa inyo na ‘yan kung may mangyari sa inyo. Kasi gegerahin na sila ng Israel,” aniya pa.

Nabatid na mayroong 131 Filipino ang nasa Gaza.

Matatandaan na nagsagawa ng pinakamalaking pag-atake ang Hamas noong Oktubre 7 kaya nagdeklara ng state of war ang Israel at nagsagawa rin ng mga pag-atake.

Ang Alert Level 4 ay itinataas kapag patuloy ang internal conflict o full blown external attack kaya magsasagawa na ang gobyerno ng mandatory evacuation procedures.

Noong Huwebes ay inilagay ng DFA sa Alert Level 3 ang Gaza na nangangahulungan ng voluntary repatriations.

Tatlong Pinoy na ang napaulat na nasawi sa Israel-Hamas war habang tatlo pa ang nawawala. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING