Kadiwa outlet bet paramihin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Matapos lumabas ang survey kung saan siyam sa bawat 10 Pilipino ang nagsabi na mas malaki na ang kanilang ginagastos ngayon sa pagkain, itinulak ng isang mambabatas na paramihan ang mga Kadiwa outlet.

Ayon kay AGRI party-list Rep. Wilbert Lee mas mababa ng 10 hanggang 20 porsyento ang pres­yo ng mga ibinebentang produkto sa mga Kadiwa outlet na makatutulong sa mga mahihirap na Pilipino.

Sinabi ni Lee na naiintindihan nito ang mga retailer kung mataas ang kanilang presyo dahil mataas din ang kanilang gastos.

“Naiintindihan natin na wala ring magawa ang ating retailers kundi magtaas ng presyo dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo,” sabi ng kongresista.

“Kaya ang pinakamainam na solusyon para mabigyan ng access sa mas murang mga bilihin ang ating mga kababayan ay ang pagtatayo ng mga Kadiwa store sa bawat ba­yan at lungsod,” dagdag pa nito. (Abante)

LATEST

LATEST

TRENDING