
MANILA – Hindi maberipika ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) kung pumasok na sa account ng mga pribado at ospital ng gobyerno ang binayad nilang utang dahil sa nangyaring hacking sa sistema ng state health insurance agency.
Ayon kay Senadora Pia Cayetano, P19 bilyong halaga ng approved claims ang pinadala ng PhilHealth subalit hindi pa matukoy ng mga pribado at pampublikong ospital kung nalipat na ba ang pondo sa kanilang account dahil sa nangyaring hacking sa nasabing ahensiya.
“It was clear to me that PhilHealth is determined to pay for the claims and they have the funds for it,” pahayag ni Cayetano sa panayam ng mga reporter.
“But due to the hacking incident, they could not determine if the P19-billion they released have reached the accounts of the private hospitals. They could not assure us that because they can’t check, their system is down,” dagdag pa niiya.
Dahil sa mga kaganapang ito, kailangan paghandaan ito ng mga ospital ng gobyerno gayundin ang mga nasa pribado dahil isa umano itong security issue.
“That should be part of our Sustainable Goals and Futures thinking: cyberattack, we have to be prepared for that. Government hospitals should be prepared for that,” diin ni Cayetano.
Nanawagan din ang senadora sa PhilHealth na palakasin ang kanilang system para hindi na mabiktima ng cyberattack. (Abante)





