Tiwala ng Pinoy sa Marcos admin, mataas pa rin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Sa kabila ng pagbulusok ng satisfaction ratings, karamihan sa mga Pinoy ay buo pa rin ang tiwala kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice Pres. Sara Duterte.

Sa non-comissioned survey ng The Issues and Advocacy Center o THE CENTER nitong 3rd quarter ng taon, 82% sa mga ­respondent ay may tiwala pa rin kay Presidente Marcos at 13% lang ang nagsabi na wala na silang tiwala. Sa kabuuan, mayroong 69% net satisfaction rating ang Pangulo na ibig sabihin ay nasa high side pa rin siya.

Si VP Sara naman ay nakakuha ng 79% trust rating habang 13% lamang ang nagsabi na wala na silang tiwala. Sa kabuuan, may 66% net satisfaction rating ang Pangalawang Pangulo.

Samantala, lumabas din ang pangalan ng mga personalidad na posibleng ihalal ng mga Pilipino bilang senador sa national elections sa 2025.

Sina dating Senate Pre­sident Tito Sotto at Cong. Erwin Tulfo ang nangu­nguna sa survey, pumangatlo hanggang panglima sina Sen. Bong Go, Sen. Imee Marcos at dating Manila Mayor Isko Moreno.

Solong nakuha ni Sen. Bato dela Rosa ang pang-anim na puwesto habang namayagpag naman sina Sen. Francis ‘ Tol ‘ Tolentino, Ping Lacson at Sen. Pia Cayetano sa 7-9.

Pasok sa 10-12 puwesto sina Sen. Bong Revilla Jr., Sen. Lito Lapid at Manny Pacquiao.

Ayon kay Ed Malay, director at tagapagsalita ng THE CENTER, ang political reallignment sa mga nagnanais magpahalal sa midterm elections ang dapat abangan dahil ayon kay Malay, ito ang magda­ragdag kulay sa darating na halalan. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING