Pagbawal sa ‘No Permit, No Exam policy’, pampapogi lang, ‘di solusyon – private schools

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Kinutya ng mga samahan ng private schools ang “No Permit, No Exam Prohibition Bill” at sinabi na makasasama lang ito sa kalagayan ng private schools sa bansa.

Binigyang-diin ng grupo na tila “pampapogi” lang ang panukala dahil kahit mukhang pro-student ito, ang totoo ay hinihikayat lang nito ang ilang masamang ugali ng Pilipino.

Sa pahayag ng Davao Association of Catholic Schools (DACS), sinabi nito na hindi naman libre ang tuition sa panukala dahil utang pa rin ito na ipinagpaliban lang ng mga estudyante at magulang.

Ayon sa DACS, ang mga private schools naman ay mababangkarote dahil sa mga bayarin at gastusin, gaya ng pasweldo sa mga guro at staff, upa, kuryente, at iba pang utilities at obligations.

Nagbigay rin ng kani-kanilang babala ang Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA), Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), Philippine Association of Colleges and Universities (PACU), Philippine Association of Private Schools, Colleges, and Universities (PAPSCU), Association of Christian Schools, Colleges, and Universities (ACSCU), at Unified TVET of the Philippines, Inc (UniTVET). Ibinunyag ng mga samahan ang isang pag-aaral na isinagawa ng PACU kung saan lumilitaw na mauubusan ng pondo ang mga pribadong paaralan sa loob lang ng dalawang buwan sakaling maging isang ganap na batas ang panukala.

Dahil dito, maraming private schools ang tuluyang magsasara at libo-libong guro at staff ang mawawalan ng trabaho at pati ang maraming mag-aaral ay wala nang mapapasukan.

Babala ng mga samahan, lalong magkakaubusan ng classrooms sa mga public schools at maaaring bumaba lalo ang kalidad ng edukasyon sa bansa. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING