
MANILA – Higit sa 81 milyong Pilipino na ang nagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys), ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ng PSA na kabuuang 81,005,872 Pinoy na ang nagparehistro sa huling tala noong Oktubre 3, 2023.
Ayon sa ahensiya, balak nilang dumayo sa mga liblib na lugar sa bansa para isakatuparan ang national ID registration system. Ilang personnel umano nila ang sumakay pa ng tricycle bitbit ang PhilSys registration kits patungo sa Pagudpud, Ilocos Norte upang mapare-histro ang mga residente doon.
Sa Davao del Norte, tinawid pa ng kanilang staff ang Liboganon River at nag¬lakad ng hanggang apat na oras para marating ang mga indigenous people ng Sitio Mambago sa munisipalidad ng Kapalong. Dahil dito, 171 katutubo roon ang nabigyan ng PhilSys accounts.
Kahit higit 81 mil¬yon na ang nagparehistro, halos 40 milyong national ID pa lamang ang nade-deliber sa hu¬ling tala noong Setyembre 2023. (Abante)





