Long-term rice supply stability isinusulong sa Kongreso

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Patuloy na isinusulong sa Kamara ang pagpapaigting sa agricultural infrastructure upang makopo ng bansa ang pagkakaroon ng long-term rice supply stability at food security sa bansa.

Sinabi ni House Appropriations Chair at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co na sa tulong ng pamunuan ni House Speaker Martin Romualdez ay nagkaroon ng pagpupulong sa major rice stakeholders upang malinawan ng Kongreso ang mahahalagang fundamental facilities at sistema para sa tagumpay ng mga programa ng pamahalaan sa agricultural sector.

Naghayag din si House Majority Leader Manuel Jose “Manix” Dalipe ng mga paraan upang mapabuti ang rice production sa bansa at matiyak na may sapat na abot kayang masustansyang pagkain ang mamamayang Pilipino.

Ilan sa tampok sa talakayan ang strategies at karanasan ng mga magsasaka ng Nueva Ecija sa rice production. Ang lalawigan ang kinikilalang “Rice Granary ng Pilipinas.

Ayon kay Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali na ang crucial structure ng kanilang sistema ay ang pagkakaroon ng “rice silos” na may malaking tulong sa pag-aani ng palay sa lalawigan. Dahil sa silos ang palay ay hindi na kailangan ibilad sa kalsada bukod sa iwas ito sa post-harvest losses dahil ang pasilidad ay nagmamantine ng magandang kalidad ng butil.

Iminungkahi ni Co na busisiin ang agricultural products mula sa pinagmulan nito para mawala na ang mga tiwaling negosyante at mga kotong na nagpapahirap sa mga magsasaka.

Higit din anyang mapapaganda ang kabuhayan ng mga magsasaka kung ang produktong ani nila ay direktang bibilhin ng gobyerno. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING