Marcos: Foreign vessel na bumangga sa mga Pinoy papanagutin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. na papanagutin ang foreign commercial vessel na bumangga sa sinasak­yang bangka ng mga Pinoy na mangingisda na ikinasawi ng tatlo katao sa Bajo Masinloc, kamakalawa ng madaling araw.

Ayon kay Marcos, gagawin lahat ng pamahalaan ang paraan para mabigyang hustisya ang pagkamatay ng tatlo.

“We assure the victims, their families, and everyone that we will exert every effort to hold accountable those who are responsible for this unfortunate maritime incident,“ pahayag pa ng Pangulo sa kanyang post sa X (dating twitter).

Iginiit pa ng ­Pangulo na sa ngayon ay nagsasagawa na ang Phi­lippine Coast Guard (PCG) ng back tracking at checking sa lahat ng monitored vessels sa Bajo de Masinloc.

Hahayaan na lamang umano ang PCG na gawin ang kanilang trabaho na mag-imbestiga at iwasan muna ang anumang espekulasyon sa ngayon.

Kasabay nito, nagpahayag naman ng pagkalungkot ang Pangulo sa pagkamatay ng tatlong mangingisda kabilang ang kapitan ng fishing vessel matapos itong banggain ng isang fishing commercial vessel.

Siniguro naman ni Marcos na bibigyan ng suporta at ayuda ang mga biktima ng naturang insidente. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING