Comelec: 242 barangays sa bansa, isinailalim sa red category

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Nasa 242 barangay ang inilagay ng Commission on Elections (Comelec) sa ilalim ng red category para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) bunsod na rin ng ilang security concerns.

Ayon kay Comelec Commissioner Aimee Ferolino, na siyang pinuno ng Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC) ng poll body, ang 147 sa mga naturang barangays na nasa red category ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nasa 60 naman sa mga ito ang mula sa Region VI; 21 ang mula sa Region V; lima ang mula sa Region XII; apat ang mula sa Region II, at tig-isa ang mula sa Regions IX at III.

Sinabi naman ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco na ang naturang listahan ng mga areas of concern ay isinagawa sa pakikipag-koordinasyon sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) at inaprubahan ng Comelec en banc.

Ang red category ay tumutukoy sa mga lugar na may isa o higit pang factor na nakalarawan sa ilalim ng yellow category at may seryosong armed threats mula sa mga local terrorist groups.

Ang mga lugar naman na nasa ilalim ng yellow category ay yaong nag-ulat ng mga suspected election-related incidents sa nakalipas na dalawang eleksiyon at may ma­tinding partisan political rivalry.

Posible rin umanong mayroon doong mga inuupahang mga armadong grupo at ang kanilang lugar ay dati nang ­naideklarang nasa ilalim ng Comelec control.

Ang mga nasa orange areas naman ay nagpapakita ng dalawa o higit pang factors sa ilalim ng yellow category, o may seryosong banta mula sa mga lokal na teroristang grupo at iba pang threat groups.

Ang 2023 BSKE ay nakatakda nang idaos aa Oktubre 30. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING