Publiko, pinag-iingat vs unauthorized Stored Value Card merchandise

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Binalaan kahapon ng Department of Transportation­ (DOTr) ang publiko, ga­yundin ang mga gumagamit ng beep cards, laban sa pagbili at paggamit ng mga naglipanang hindi otorisadong merchandise na may beep card functionality.

Sinabi ng DOTr na may mga kumakalat na mga di oto­risadong mga merchandise, gaya ng mga charms, trinkets, keychains, bracelets, at mga accessories na may beep card functionality at mabibili sa iba’t ibang online platforms.

Nagpaalala ang DOTr na ang mga naturang produkto bilang stored value cards (SVC), ay hindi authorized fare media sa mga light rail net­works, gaya ng LRT at MRT.

Nagbabala pa ang DOTr na maaaring maharap sa ka­ukulang parusa, kabilang na ang pag-blacklist at pagkum­piska, ang sinumang mahuhuling nag-iingat ng mga naturang items, na ikinukonsiderang counterfeit at infringement ng intellectual property rights.

Anang DOTr, hindi pinahihintulutan ng AF Payments Inc. (AFPI), na siyang legal owner ng beepTM trademark at logo at ang nag-iisa ay exclusive issuer ng beepTM cards, ang pagbebenta, paggamit, at distribusyon ng naturang merchandise kaya’t ang mga naturang item ay hindi sakop ng anumang balidong product warranties.

Dagdag pa nito, tanging ang mga ‘legitimately sourced beepTM cards’ lamang ang kikilalanin sa alinmang rail station acceptance points para sa pagbabayad ng pasahe sa tren at iba pang transaksiyon, kabilang na ang add value (top up), balance inquiry, balance transfer, card replacement requests, at iba pang rights at privileges, na itinatakda sa kondisyon ng paggamit ng beepTM cards. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING