DSWD: Listahan ng 4Ps beneficiaries sa FB page, peke

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Peke umano ang isang Facebook Page na nagsasabing mayroon silang listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na makatatanggap ng grants ng DSWD.

Ang post ay mayroon ding “link” kung saan naroon umano ang mga benepisyaryong makatatanggap at ang schedule ng kanilang payout.

Niliwanag ng DSWD na ang ahensiya ay hindi nagpo-post ng listahan ng 4Ps beneficiaries at schedule ng distribusyon ng kanilang grants sa anumang online platorm nito, alinsunod sa Data Privacy Act.

Ayon sa DSWD, ­karamihan sa 4Ps members ay mayroon nang cash card mula sa Land Bank kung saan direktang ipinadadala ang grants.

Ang mga City at Municipal Links, sa tulong na rin ng mga 4Ps Parent Leader, ang nagsasabi sa mga 4Ps members kung kailan nila maa­aring matanggap ang cash grants. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING