PHAP: Maliliit na private hospitals, mapipilitang maningil ng deposito

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Mapipilitan ang mga maliliit na pribadong ospital na maningil ng deposito sa kanilang mga pasyente kung magpapatuloy at tatagal ang nangyayaring system shutdown ng Philippine Health Insurance Corp. dahil sa hacking.

Ayon kay Private Hospital Association of the Philippines president Dr. Jose de Grano, na umaabot pa rin sa P27 bilyon ang pagkakautang sa kanila ng PhilHealth at inaasahan nila na lalong magkakaroon ng pagkaantala sa pagbabayad nito kung hindi agad masosolusyunan ang hacking.

Pinakaapektado umano dito ang mga maliliit na pribadong ospital na umaasa ng kita sa bayad ng PhilHealth at walang malaking buffer fund para tumanggap ng mga pasyente na walang deposito.

“Initially siguro, sasabihin nila sa ating mga patients ay hindi muna namin i-deduct ang PhilHealth cost n’yo and magbayad muna kayo out of pocket muna. Kasi otherwise we can no longer provide the services,” ayon kay De Grano.

“Kung emergency naman ‘yan tatanggapin naman namin ‘yan, baka sa iba sabihan na kailangang mag-advance, at once na mai-file saka lang ibabalik ‘pag nabayaran ng PhilHealth, sana ‘wag na tayo umabot sa ganun,” dagdag niya.

Nakausap naman umano niya ang pangulo ng PhilHealth at tiniyak sa kaniya na mareresolba ang problema sa loob ng 48 oras. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING