
MANILA — Nakatanggap lamang ang Philippine Coast Guard (PCG) ng higit sa P118 milyong intelligence fund sa loob ng 17 taon sa kabila ng tungkulin nila na bantayan ang karagatan na sakop ng Pilipinas at pakikipagpatintero sa mga barko ng China.
Inihayag ni PCG Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita para sa WPS, na nasa kabuuang P118,725,000 intelligence fund ang naibigay sa kanila mula 2013 hanggang ngayong 2023.
Mula 2013 hanggang 2023, nasa P10 milyon lamang kada taon ang naka-allocate sa PCG. Higit na mas mababa sa mga sinundang taon kung kailan noong 2012 ay nasa P6.4 milyon lang ito at mula 2008 hanggang 2011 ay nasa P400,000 lamang kada taon.
Noong 2007 naman, nasa P325,00 ang tinanggap nilang intel fund at P400,000 noong 2006.
Nabatid na matagal nang humihingi sa Kongreso ang PCG ng intelligence fund mula P200 milyon hanggang P600 milyon, para mas maging epektibo sa mandato nila sa pagpapanatili ng katiwasayan sa karagatan at pagsusulong sa soberenya ng bansa. (philstar)





