Pagkolekta ng ‘kulto’ sa 4Ps, iniimbestigahan na ng DSWD

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Ipinag-utos ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang pagbusisi sa report na isang religious cult umano ang nangongolekta ng cash grant ng kanilang miyembro na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD.

Ang hakbang ay ginawa ni Gatchalian nang mag-privilege speech si Sen. Risa Hontiveros na sinabing ang Socorro Bayanihan Services Inc., na isang religious cult na nakabase sa Surigao del Norte ay may ilegal na aktibidad sa ayuda ng kanilang miyembro na benepisyaryo ng 4Ps.

Sinabi ni Gatchalian na nagsasagawa na ng agarang inventory ang DSWD kung ilang 4Ps households sa lugar.

Ayon kay Secretary Gatchalian na sa Sitio Kapihan sa bayan ng Socorro ay may 74 households na benepisyaryo ng 4Ps samantalang sa barangay Si­ring ay may 503 household.

Binigyang diin ni Gatchalian na ang anumang benepisyo ng mga 4Ps ay dapat na para lamang sa mga benepisyaryo.

“It’s against the creed of the Department when may tumabas, no matter kung sino man yan (whoever violates, no matter who it is), no government official, no private individual can take what is given directly to the beneficiary,” sabi ni Gatchalian.

Sinabi rin nito na susuriin din ang mga be­neficiaries ng Assistance to Individuals in Crisis Si­tuations (AICS) sa Caraga Administrative Region (Region 13) partikular sa mga barangays, sitios na nasa impluwensiya ng religious cult. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING