P5.7 trilyong 2024 budget ­sinertipikahang ‘urgent’ ni Pangulong Marcos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Sinertipikahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang House Bill No. 8980 o ang panukalang P5.768 trillion national budget para sa 2024.

Sa liham na ipinadala ni Marcos sa tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez, sinabi nito na may pangangailangan para maipasa kaagad ang panukalang pambansang budget para sa susunod na taon para maipagpatuloy ang operasyon ng gobyerno sa pagtatapos ng kasalukuyang taon.

Ang hakbang ay ginawa ng Pangulo para umano mapabilis ang pagpopondo sa ibat-ibang programa at proyekto ng gobyerno, kasama na ang mga naka­salyang aktibidad para sa 2024 at para matiyak ang kahandaan sa maayos at epektibong pagsunod sa mandato salig sa Konstitusyon.

“Pursuant to the provisions of Article VI, Section 26 (2) of the 1987 Constitution, I hereby certify to the necessity of the immediate enactment of House Bill no. 8980, entitled: An Act Appropriating funds for the operations of the government of the Republic of the Philippines from January one to December Thirty-One, Two Thousand and Twenty Four,” nakasaad pa kautusan ng Pangulo.

Dahil sa sertipikasyon kaya papayagan na aprubahan ang panukala sa mismong araw hindi tulad sa nakagawian na tatlong araw na pagitan sa ikalawa at ikatlong pagbasa.

Binigyan din ng kopya ng kautusan sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Presidential Adviser on Legislative Affairs Mark Llandro Mendoza na binasa sa sesyon sa plenaryo para sa opisyal na rekord ng Kongreso. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING