Mabigat na parusa vs agricultural hoarders, smugglers bilisan!

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa dalawang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang patawan ng mas matinding parusa ang mga masasangkot sa economic sabotage.

Sa liham na pinadala ng Pangulo kay Senate President Juan Miguel Zubiri ay sinertipikahan nito bilang “urgent” ang Senate Bill 2432 na naglalayong itaguyod ang pagiging produktibo ng sektor ng agrikultura at protektahan ang mga magsasaka at mangingisda laban sa mga mapagsamantalang negosyante at importer.

Gayundin para matiyak at rasonableng presyo ng mga produktong agrikultura at pangisda.

Nakasaad din sa panukalang batas ang mas mahigpit na parusa sa smuggling, hoarding, profiteering at kartel ng mga agricultural at fishery products.

Nakasaad pa sa kautusan na habambuhay na pagkabilanggo at multa na tatlong beses ang halaga ng nasasangkot na agricultural alt fishery products para sa krimen na economic sabotage.

Kung sinuman sa mga kawani at opisyal ng gobyerno na mapapatunayang sangkot sa economic sabotage ay may dagdag na habambuhay na disqualification sa pagpasok sa anumang public office, pagboto, pagsali sa anumang pagsali sa public elections gayundin sa pagbawi sa lahat nitong benepisyo.

Bukod dito, may kaso rin kriminal na kakaharapin ang sinuman sangkot at nagkasala at habangbuhay na disqualification sa pagpasok sa mga negosyo na may kinalaman sa importation, storage, warehousing at pangangalakal sa mga agricultural at fishery products.

Nakasaad pa dito na may karapatan ang gobyerno na samsamin ang lahat ng produktong agrikultural at pangisda na mga ari-arian na sangkot sa krimen tulad ng sasakyan, barko, eroplano, storage area o bodega mga kahon at iba pang container.

Ang iminungkahing panukala ay kabilang sa pinalawak na Common Legislative Agenda na tinalakay sa 3rd LEDAC Meeting.

Nauna nang sinabi ni Sen. Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on agriculture, food and Agrarian Reform na nalulugi ang gobyerno ng tinatayang P200 bilyon na kita kada taon dahil sa smuggling. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING