P38B swak sa digitalization program ng gobyerno

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Tumaas ng 61% ang inilaang pondo ng gobyerno para digitalization sa susunod na taon dahil mula P24.93 bilyon ngayong 2023 at magiging P38.75 bilyon ito base sa panukalang 2024 national budget.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, mahalaga ang digitalisasyon lalo na sa lumalagong digital economy kaya importante na buhusan ng pondo ang digitalisasyon sa burukras­ya upang mas mapahusay at maging de-kalidad ang mga malilikhang trabaho para sa mga Pilipino.

Bukod sa digitalization program ay bubuhusan din ng P1.5 billion ang National Broadband Plan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) upang mapahusay ang internet speed sa buong bansa.

Hiwalay na pondong P2.5 billion ang inilaan ng gobyerno para sa Free Wi-Fi Connectivity sa mga pampublikong lugar at State Colleges and Universities (SUCs) at target na makapagtayo ng 50 broadband sites sa 82 mga lalawigan sa bansa. (Abante)

LATEST

LATEST

TRENDING