
MANILA – Tinukoy ni House Committee on Appropriations chairperson at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co ang tatlong legacy project in Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakapaloob sa panukalang P5.768 trilyong budget para sa 2024.
Ito ang specialty hospitals, pabahay para sa mga mahihirap at sapat na suplay ng pagkain ng hindi umaasa sa pag-angkat.
Sabi ni Co, popondohan ng Kongreso ang mga legacy specialty hospitals tulad ng Heart and Kidney Centers at maging cancer. Bukod sa libreng pagpapagamot, hindi na kailangan pang bumiyahe nang malayo papuntang Manila ang ating mga kababayan para malapatan ng tama at de-kalidad na lunas,”
Sinabi ni Co na suportado ng Kamara ang pagnanais ni Marcos na matugunan ang kakulangan sa pabahay, lalo na sa pagpopondo sa target na 6 milyong housing unit sa mga mahihirap na Pilipino.
“Flagship program po ng Pangulo ang pabahay. Sa pamamagitan ng 2024 budget at sa mga susunod na taon, patuloy nating popondohan ang Legacy Housing program more or less 6 million housing (unit) – hanggang maabot natin ang target na anim na milyong murang pabahay para sa pinakamahihirap nating kababayan,” sabi pa ng solon. (Abante)