MUP pension bill inaprub ng Kamara

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang pagreporma ng Military and Uniformed Personnel (MUP) pension system.

Sa pamamagitan ng voice voting inapruba¬han ang House Bill 8969 o ang panukalang MUP Pension System Act.

Sa inaprubahang panukala, magiging gradual ang pagtaas ng kontribusyon ng MUP. Sa unang tatlong taon ay 5% muna, sa susunod na tatlong taon ay 7% na, hanggang umabot sa 9% ng suweldo.

Ang mga bagong pasok naman ay obligado na magbigay agad ng siyam na porsiyento ng kanilang base pay. Sasagutin ng gobyerno ang kapupunan upang mabuo ang 20% kontribusyon ng mga MUP.

Nakapaloob pa rin sa panukala ang pagtatakda ng compulsory retirement age na 57-anyos para sa MUP o kapag nakaabot na ng 30 taon sa serbisyo. (Abante)

LATEST

LATEST

TRENDING