
MANILA — Naghain ng petisyon sa Supreme Court ang grupong Bayan Muna na layon na ideklarang “unconstitional and void” ang Maharlika Investment Fund Act of 2023.
Sa petisyong inihain nina Bayan Muna chairman Neri Colmenares, dating Congressman Carlos Isagani Zarate at Ferdinand Gaite, sinabi nila na ang MIF ay isang “disaster waiting to happen”. Kasama rin si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel sa mga petitioner.
Matatandaan na pinirmahan para maging batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang MIF, na pinaniniwalaan ng gobyerno na makakatulong sa paglago ng ekonomiya.
Hiniling din ng mga petitioner sa SC na maglabas ng temporary restraining order o preliminary injustice at status quo ante order para mapigil ang implementasyon ng naturang batas, at saka magsagawa ng oral arguments.
“Petitioners ask this Honorable Court to intervene in this constitutional transgression and put a stop to this practice—especially on such a dangerous law as the Maharlika Investment Fund Act of 2023,” nakasaad sa petisyon.
Iginiit nila na labag sa Konstitusyon ang batas makaraang madaliin ito ng Kongreso dahil sa pagtatalaga ng Pangulo na “urgent bill”. Ikinatwiran nila na wala namang naidedeklarang “state of calamity” para solusyunan ng Maharlika Bill.
Ngunit matatandaan na noong Mayo, ibinasura ng SC ang isang petisyon na humihiling na ipawalang-bisa ang sertipikasyon ni Pangulong Marcos na “urgent bill” ang MIF. (philstar)





