Higit 1K trabaho malilikha sa investment ng Singapore sa Pilipinas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Aabot sa P11 bilyon ang ilalagak na puhunan ng Singapore-based multinational technology firm na Dyson para sa expansion ng kanilang operasyon sa Pilipinas.

Sa inilabas na pahayag ni Presidential Communications Sec. Cheloy Garafil, sinabi nito na nakipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga executive ng Dyson sa Singapore.

Ayon pa kay Garafil, ang investment plan ay gagamitin sa pagtatayo ng mga bagong pabrika at research and development center sa bansa.

Dahil dito kaya tinatayang nasa 1,250 empleyado ang kanilang kakailanganin sa expansion na target maisakatuparan sa susunod na 2 taon.

Sa kasalukuyan ay mayroon lamang isang planta ang Dyson sa Pilipinas na gumagawa ng electrical motors.

Ikinalugod naman ni Pangulong Marcos ang investment commitment ng kumpanya dahil mangangahulugan umano ito ng oportunidad para sa maraming software engineers at iba pang engineering graduates.

Sinabi rin ng Pangulo na hindi nagkamali ang natu­rang kumpanya sa pagpili sa Pilipinas para maglagak ng kanilang puhunan. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING