Rice price cap, dedesisyunan sa loob ng 2 linggo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Sa susunod na dalawang linggo pa maaa­ring makapagdesisyon ang Department of Trade and Industry (DTI) kung tatanggalin na ang ipinatutupad ngayon na ‘price ceiling’ sa retail ng bigas.

Sinabi kahapon ni DTI Secretary Alfredo Pascual na ito ay dahil sa inaasahan na ang pagdating ng panahon ng anihan sa mga susunod na linggo.

“Maybe within two weeks, we should be able to lift or to see whether we can lift the price cap already,” saad ni Pascual.

Sa ilalim ng Executive Order No. 39, na epektibo nitong Setyem­bre 5, maaari lamang ibenta ang ‘regular-milled rice’ ng P41 kada kilo at ang ‘well-milled rice’ ng P45 kada kilo.

Iginiit ni Pascual na hindi lamang ang paghihigpit sa retail prices ang ipinatupad nila, bagkus ay kasabay umano nito ang kampanya nila laban sa ‘hoarding, profiteering, at smuggling’.

Inaasahan na aabot sa 2 milyong metriko tonelada ng bigas ang aanihin ngayong buwan.

“[If] we’re talking of the next few weeks we’re facing already a harvesting season… in September alone, we expect 2 million metric tons of rice will be harvested and that will be followed also by the entry of some imported rice that would help fill the supply,” paliwanag ng kalihim.

Sa ngayon base umano sa Department of Agriculture, may sapat nang suplay ng bigas hanggang sa katapusan ng taon. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING