Marcos tinabla pag-angkin ng China sa South China Sea

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Tinanggihan ng Pilipinas ang pag-aangkin ng China sa South China Sea.

Ito ang matinding pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang intevention sa 43rd Association of Southeast Asian Nations Summit and Related Summits na ginaganap sa Jakarta Convention Center sa Jakarta, Indonesia.

“The Philippines firmly rejects misleading narratives that frame the disputes in the South China Sea solely through the lens of strategic competition between two powerful countries. This not only denies us our independence and agency, but also disregards our own legitimate interests,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Hindi lamang umano ito nagbabalewala sa ating independence kundi binabalewala rin ang ating sariling lehitimong interest.

Kaya sabi ng Pangulo, dapat na magkaroon ng self-restraint ang lahat ng partido.

“We cannot emphasize enough that actions, not words, should be the ultimate measure of our commitment to securing peace and stability in the South China Sea. Anything else simply does not suffice,” pahayag pa ni Pangulong Marcos.

Hinikayat din niya ang mga kapwa lider na makipagtulungan para maayos ang gusot sa South China Sea.

Hindi anya dapat na pumayag ang ASEAN na may magha-harian na bansa sa South China Sea.

Dapat na pumalag ang ASEAN na mapasailalim ang international order sa puwersang ginagamit para sa hegemonic ambition.

Sabi ni Pangulong Marcos, nahaharap sa isang malaking hamon ang ASEAN.

“History will ultimately judge whether the supremacy of the rule of law prevails, ushering in an era where all nations truly stand as equals, independent and unswayed by any single power,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Iginiit pa ni Marcos na committed ang Pilipinas na makipagtulungan sa ibang bansa maisulong ang freedom of navigation at overflight sa South China Sea na nakabase sa international law kasama na ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING