
MANILA — Ipinahinto ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapatupad ng bago ngunit mas mahigpit na panuntunan sa ‘departure formalities’ na inilabas ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) makaraan ang mga reklamo buhat sa mga pasahero.
Sa pahayag na inilabas ni Justice spokesperson Asst. Sec. Mico Clavano, nakasaad na pangunahing layunin ng ‘revised guidelines’ ang maisaayos ang ‘departure procedures’ para mas maging episyente at ligtas ang proseso para sa lahat ng indibidwal na bibiyahe sa abroad.
Hindi umano layon nito na pahirapan ang publiko at sa halip ay mapabuti pa ang “overall experience” ng mga aalis na pasahero.
“However, in light of recent concerns raised by our esteemed senators and to address the importance of transparency and public consultation, the Secretary of Justice, Jesus Crispin “Boying” Remulla, has deemed it necessary to thoroughly clarify the issues surrounding the revised guidelines to both the senators and the public,” ayon sa pahayag.
Pinagtitibay umano ng DOJ ang karapatan at kapakanan ng lahat ng indibidwal, kabilang ang “right to travel”.
Tiniyak nila na ang “revised guidelines” ay para magkaroon umano ng balanse sa pagitan ng “national security” at episyenteng pagbiyahe.
Sa kabila ng suspensyon, nilinaw ng DOJ na mananatili naman ang ibang mga umiiral na batas at regulasyon sa pagbiyahe at sa immigration procedures.
“All existing rules and guidelines remain in place until further notice,” ayon sa DOJ. (philstar)





