
MANILA — Lalo pang lumakas ang bagyong Goring na isa nang Tropical Storm habang tinatahak ang hilagang-kanluran ng Basco, Batanes.
Namataan ng PAGASA ang sentro ni Goring sa layong 265 kilometro silangan ng Basco, Batanes at patuloy ang pagkilos hilagang-kanluran sa bilis na 10 km kada oras.
Taglay ni Goring ang lakas ng hangin na umaabot sa 75 kph at pagbugso na umaabot sa 90 kph. Wala pang itinataas na Tropical Cyclone Wind Signal ang PAGASA.
Lalakas pa ang bagyo at maaabot ang typhoon category ngayong Sabado.
Palalakasin din ni Goring ang habagat simula Linggo o sa Lunes na magdadala ng paminsan-minsang pag-ulan sa buong western portions ng Central at Southern Luzon.
Kung tataas pa ang kategorya ni Goring at maaabot ang very strong typhoon category ay inaasahang aabot sa 157 hanggang 193 kph ang dala nitong bugso ng hangin.
Magdadala ng malakas na pag-ulan si Goring sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa susunod na tatlong araw. (philstar)





