DOE: Walang aasahan na ‘oil price rollback’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Patuloy ang magiging sakit ng ulo ng mga motorista sa buong buwan ng Agosto makaraang aminin ng Department of Energy (DOE) na walang magaganap na rolbak dahil sa paghihigpit sa inilalabas na produksyon na langis ng Saudi Arabia at ng Russia.

Sinabi ni DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na magiging manipis ang suplay ng langis at magkakaroon ng tinatayang supply shortage na 2.8 mil­yong bariles kada araw.

“Walang aasahan na rollback ngayong month of August,” saad ni Abad.

Nitong Martes, nagpatupad muli ng oil price hike na umabot sa P1.10 kada litro ng gasolina, P.20 sa diesel at P.70 sa kerosene.

Ito na ang ika-6 na sunod na linggo na nagkaroon ng pagtataas sa presyo ng gasolina at ika-7 sunod sa diesel at kerosene at inaasahan na hindi pa ito mapuputol.

Mula nitong Hulyo 18, umakyat na ang presyo ng petrolyo mula P8 hanggang P10 kada litro, na nagbunsod ng mga panawagan ng fare hike sa mga grupo ng transportasyon.

Sinabi ni Abad na kasalukuyan pa lamang pinag-aaralan ang pagbibigay ng P3 bilyong fuel subsidy sa mga pampublikong transportasyon para mabawasan ang epek­to ng mataas na pres­yo ng petrolyo. Pero sa ngayon, maaaring magtiyaga ang mga tsuper at operator sa ibinibigay na promotional discounts ng mga kumpanya ng langis. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING