DBM: P2 bilyong pondo inilaan sa cancer patients

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Umaabot sa P2 bil­yon ang inilaan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa pagpapagamot ng mga pasyenteng mayroong cancer.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pa­ngandaman, na ang nasabing pondo ay nakapaloob sa 2024 National Expenditure Program  (NEP) at alinsunod na rin sa prayoridad ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon pa kay Pangandaman, makikinabang sa naturang pondo ang nasa 18,695 pasyente na mayroong cancer na nasa ilalim ng Prevention and Control of Non-Communicable Diseases.

Nakapaloob dito ang pagbili sa 61 iba’t ibang cancer commodities tulad ng Trastuzumab 600 mg/5mL, Docetaxel 40 mg/mL, at Paclitaxel 6 mg/mL.

Iginiit pa ng kalihim na hindi niya mapigilang maiyak siya kapag nakikita niya ang mga pasyente lalo na ang mga bata, subalit kailangan niya na maging matatag para mabigyan ng tulong at suporta ang mga ito.

Mayroon din uma­nong P1 bilyong pondo ang nakalaan sa Cancer Assistance Fund (CAF) para tulungan ang may 6,666 cancer patients. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING