
MANILA — Tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lalo pang mapapalalim ang ugnayan ng Pilipinas at Japan.
Sinabi ito ng Pangulo sa courtesy call ni Komeito Party Chief Representative Hon. Yamaguchi Natsuo sa Malakanyang.
Hindi lang umano sa usapin sa kalakalan at investment ang palalakasin ni Pangulong Marcos kundi maging sa usapin sa security at defense.
“In the past, it could be said that the largest part of our interaction between our two countries were always in terms of trade, in terms of development, in terms of ODA (Official Development Assistance),” ayon pa sa Pangulo.
Kinikilala rin ni Marcos ang tulong ng Japan sa pagpapanatili sa security at defense sa Southeast Asia para mapanatili ang kapayapaan sa Southeast Asia at mga kalapit na bansa.
Samantala, nabahala naman ang Pangulo sa mga ginagawang aksyon ng North Korea gaya ng paglulunsad ng missile at weapon tests kung saan nalagay ang Japan sa heightened alert. (philstar)





