DOJ: Pamilya ng mga nawawalang sabungero, umaatras sa kaso

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Nangangamba si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na nagkakaroon na ng bayaran sa pagitan ng mga suspek sa pagkawala ng mga sabungero at pamilya nila makaraan ang pag-atras sa mga kaso.

“[T]he affiants or the families of the victims went to the DOJ to e­xecute their affidavits of desistance against the suspects in case number 1 and asking that the case be dismissed against these suspects,” pag-amin ni Remulla sa mga media.

Hindi naman binanggit ni Remulla kung ilan nang pamilya ang naghain ng affidavit of desistance, isang pahayag na hindi na interesado ang complainant na ituloy ang kaso.

Ngunit ipinaliwanag ni Remulla na base sa salita ni Senior State Deputy Prosecutor Richard Fadullon, hinid pa maaaring idismis ang mga kaso dahil sa hindi pa naaaresto o sumusuko ang mga suspek.

Inamin ni Remulla na ang pag-atras ng mga pamilya ay nagpahina sa kanilang kaso laban sa anim na akusado. Dito hinahanapan umano nila ng solusyon at sinusuri kung ano ang nangyari partikular sa panig ng mga pulis na humawak ng kaso.

“After the warrant of arrest was issued, parang wala nang gumalaw after that,” dagdag niya.

Isa sa tinitingnan ni Remulla ay ang posibilidad na aregluhan na umaabot sa milyon-­milyong halaga ng pera. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING