‘Quota system’ tinanggal na ng PNP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Tinanggal na ng ­Philippine National Police (PNP) ang “quota system” na batayan ng accomplishments ng mga pulis.

Ayon kay PNP Deputy Director General for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia, kaugnay ito ng pagtaas ng krimen sa bansa na kinasasangkutan ng mga pulis.

Ayon kay Sermonia, nagkausap at nagkasundo na sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, Interior Secretary Benjamin Abalos Jr., at PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. na tapusin na ang quota system.

Lumilitaw na ang quota system ay nagsisilbing rekisitos ng mga pulis para sa “minimum number” ng arrests na kailangang maabot.

Lumilitaw na naoobliga ang mga pulis na magkaroon ng ‘accomplishments’ kada linggo na humahantong  sa umano’y paggawa ng hindi tama.

“And alam po namin yon kaya nga napepressure ‘yung mga operatives noon pero ngayon po ‘yun po ang kauna-unahang direktiba ng ating CPNP na alisin ‘yung quota,” ani Sermonia.

Gayunman, nilinaw ni Abalos na bagama’t inalis na ang quota system, tuloy pa rin ang police o­perations at pagbabantay sa kanilang nasasakupan.

Sinabi ni Abalos na hindi tama na gumawa ng mali ang pulis para magkaroon lamang ng accomplishments. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING