DepEd kinasa blended learning sa mga binagyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Hindi magiging sagabal ang mga nasirang silid-aralan para sa pagbubukas ng klase ngayong pasukan.

Ito ang tiniyak ni Vice-President at Department of Education Secretary Sara Duterte- Carpio sa harap ng ginagawang paghahanda na para sa pasukan ng mga estudyante sa Agosto 29, 2023.

Ayon sa Pangalawang Pangulo, para hindi maiwanan ang mga estudyanteng walang magamit na classroom, ipapa¬tupad ang blended learning program upang magtuloy-tuloy ng pag-aaral ng mga estudyante.

Kung hindi aniya abot sa pasukan ang pagkumpuni sa mga nawasak na paaralan at mga silid-aralan, sinabi ni VP Sara na gagamitin ang alternatibong paraan para hindi makompromiso ang pag-aaral.

“Kung hindi po umabot ‘yung repairs by opening ng August 29 ay immedately i-implement ang ating mga paaralan ‘yung blended learning program natin dahil wala na pong learning disruption ang direction ng Department of Education,” ani VP Sara. (Abante)

LATEST

LATEST

TRENDING