AFP: Joint military drill ng Pinas, China bubusisiin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pag-aaralan muna nilang mabuti ang posibilidad ng joint military drill sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ang paniniyak ay ginawa ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, kasunod ng pinakahuling insidente sa Ayungin Shoal kung saan ginamitan ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang Phl vessel na maghahatid lamang ng suplay sa BRP Sierra Madre.

Ayon kay Medel, informal proposal pa lamang ito na ipinaabot sa AFP Chief of Staff.

Wala pa aniya silang natatanggap na pormal na dokumento o proposal kaugnay dito, at kailangan pa aniya itong pag-aralang maigi, kung makakatulong ba o hindi sa pagsusulong ng interes ng mga Pilipino.

Kailangan din malaman ang sentimyento ng bawat Pilipino dahil hindi biro ang drill lalo pa’t may isyu ng pambu-bully ang China.

“Sa ngayon, mas mabuti siguro kung tingnan natin, ano ba ang sentimyento ng taumbayan. Kami ay nakikinig naman palagi. Ito ba ay nakakatulong sa pagsusulong ng interes ng ating bayan kung ito ay makakatulong let the authorities above us make the decision, hindi po kami ang magde-desisyon dito,” dagdag ni Aguilar. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING