
MANILA – Pag-aaralan ng Pilipinas at Amerika ang posibilidad na magkaroon ng kasunduan upang palakasin ang nursing industry ng dalawang bansa.
Natalakay ito sa pulong nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at United States Senator Tammy Duckworth na bumisita sa Malacañang nitong Martes.
Sinabi ng pangulo na pag-aaralan ang mungkahi ng Amerika bago magdesisyon dahil kinukulang din ng nurses ang bansa dahil marami ang nag-abroad lalo na noong panahon ng pandemya.
Ipinabatid ni Duckworth sa pangulo na pinag-aaralan ng kanilang gobyerno ang posibilidad na magpadala ng mga American nursing student para mag-aral sa Pilipinas.
“It would be really interesting to see if we could send American students to nursing schools in the Philippines because, obviously, you’re teaching to a standard that they can meet licensure in the US. But we don’t have enough nursing programs in the United States,” ani Duckworth.
“Let’s look into it. I don’t see why not. I’m sure if we figure out the details, that probably sounds like a good idea,” sagot ng pangulo. (Abante)





