AFP magsasagawa muli ng re-supply mission sa Ayungin Shoal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Magsasagawa muli ng re-supply mission ang Armed Forces of the Philip­pines (AFP) para sa mga tropang Filipino­ na naka­talaga sa BRP Sierra Madre (LST-57) na permanenteng naka-angkla sa Ayungin Shoal ng West Philippine Sea.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Medel Aguilar, kalahati lang ang na-unload na supply at kulang para sa mga sundalo na tumatao sa BRP Sierra Madre.

Hindi na baba ang mga kailangan ng mga kapwa sundalo dahil sa pangha-harass ng Chinese Coast Guard at militia vessels noong Sabado, Agosto 4.

Nabatid na isa lamang sa dalawang barko na may dala ng mga suplay ang nakapunta sa BRP Sierra Madre.

Ani Aguilar, hindi niya alam kung hanggang ka­ilan magtatagal ang suplay kung kaya’t kailangan na mag-suplay ulit para sa mga sundalo sa susunod na dalawang linggo.

“I’m not sure but we need to resupply them within the next two weeks but we will see how we are going to do it dahil sa nangyayari ngayon sa West Philippine Sea,” ani Aguilar.

Idinagdag din niya na ito ang layunin ng AFP, ang sigu­ruhing may sapat na pagkain, tubig at kaga­mitan ang kanilang mga tropa upang maisagawa ang tungkulin nila sa lugar.

Nitong Lunes, mariing kinondena ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang pagtatangka ng China na pigilan ang pagsusuplay ng Phi­lippine Coast Guard sa mga tropang naka-istasyon sa Ayungin Shoal.

Opisyal nang ipinatawag ng Department of Fo­reign Affairs nitong Lunes si Chinese Ambassador to Manila Huang Xilian at kinalampag na tigilan na ang mga illegal na aktibidad sa WPS. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING