11K pulis ikakalat sa school opening sa August 29, 2023

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Puspusan na ang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) para sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Agosto 29.

Ayon kay PNP Spokes­person PCol. Jean Fajardo, nasa 11,000 pulis ang kanilang ipakakalat sa iba’t ibang panig ng bansa upang matiyak ang seguridad ng mga magulang, guro at mga mag-aaral.

Tulad ng nakagawian, maglalagay ng mga police assistance desk malapit sa mga paaralan para magbantay ng seguridad at kaayusan sa paligid ng mga paaralan.

Bukod pa ito sa mga pulis na itinalaga sa mga mobile at beat patrol. Inatasan na rin ang mga field commander na makipag-ugnayan sa mga paaralan upang maging maayos ang sistema at hindi mahirapan ang mga estudyante.

Sinabi ni Fajardo na iba pa rin ang police visi­bility dahil maiiwasan nito ang anumang mga pananamantala at panggugulo kasabay ng pagsisimula ng klase.

Magkakaroon naman ng launching ng Oplan Balik Eskwela sa August 14, 2023. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING